Di makatulog sa gabi Dahil nagugulo ang isip Umiiyak nalang palagi Nagtatanong sagot sa Bakit ka iniwan At sinaktan Nagmahal ka lang naman
Tahan na Di ka ba napapagod Sa kakaisip Sa kakatanong kung bakit
Kasi naman Darating rin ang panahon na Di ka na magtatanong pa Pag nakatingin ka na Sa mga mata ng taong Tunay na magmamahal sayo Masasabi mo nalang sa sarili mo Kaya pala Kaya naman pala
Ilang buwan nang nakalipas Di parin makalimutan Umaasang babalik siya Pero para san pa ba? Kaya
Tahan na Di ka ba napapagod Sa kakaisip Sa kakatanong kung bakit
Kasi naman Darating rin ang panahon na Di ka na magtatanong pa Pag nakatingin ka na Sa mga mata ng taong Tunay na magmamahal sayo Masasabi mo nalang sa sarili mo Kaya pala Kaya naman pala
Pinagmamasdan kang Unti-unting pinupunasan mga luhang Tumulo dahil sakanya Pero tahan na
Kasi naman Ito na ang panahon na Di ka na magtatanong pa Tumingin saking mga mata Ang tunay na magmamahal sayo Masasabi mo na sa sarili mo Di mo na kailangan magtanong Di mo na kailangan umiyak