Pag-Ibig – APO Hiking Society

No’ng tangan ng nanay ang munti mong mga kamay
Ika’y tuwang-tuwa, panatag ang loob
Sa damdaming ika’y mahal

No’ng nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya’y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita

Hindi mo malimutan kung kailan nagsimulang
Matuto kung papa’nong magmahal
At di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hangang langit

No’ng tayo’y nagkakilala nang hindi sinasadya
Ikaw lang ang napansin, nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing

Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matutong ikaw lang ang mahalin
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik, yakap na nakapahigpit
Pag-ibig mong tunay hangang langit

Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matutong ikaw lang ang mahalin
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik, yakap na nakapahigpit
Pag-ibig mong tunay hangang langit
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20