Pagsubok – APO Hiking Society

Ahh ahh, ahh ahh
Ahh ahh, ahhh

Isip mo’y litong-lito
Sa mga panahong nais mong malimot
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Suliranin ‘di mapigilan
Itanim mo lang sa ‘yong pusong
Kaya mo yan…

Pagkabigo’t alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang ‘yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At ‘yong labanan

Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika’y hindi tatalikuran
Ng ating ama na siyang lumikha
‘Di lang ikaw ang nagdurusa
At ‘di lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo’y may katapusan
Kaya mo ‘yan…

Pagkabigo’t alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang ‘yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At ‘yong labanan

‘Di lang ikaw ang nagdurusa
At ‘di lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo’y may katapusan
Kaya mo ‘yan…

Pagkabigo’t alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang ‘yan
Huwag mong itigil ang laban
La la la la la la la oh
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At ‘yong labanan
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At ‘yong labanan

Pagkabigo’t alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang ‘yan
Huwag mong isuko ang laban
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20